Richard Gutierrez, Kapamilya na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Richard Gutierrez, Kapamilya na

Richard Gutierrez, Kapamilya na

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 01, 2017 12:25 AM PHT

Clipboard

Richard Gutierrez sa press conference niya sa ABS-CBN. Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

MANILA -- (UPDATED) Kapamilya na ang aktor na si Richard Gutierrez.

Nitong Miyerkoles, matapos ang kanyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, pormal nang ipinakilala si Gutierrez bilang parte ng pinakaabangang seryeng "La Luna Sangre," kasama ang bida na sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"I'm very happy and excited to be here finally. I'm very thankful to ABS-CBN for this opportunity and for the trust," pambungad ni Richard sa mga reporter.

"Ang sarap ng pakiramdam na nandito ako ngayon. I consider this a new journey and a new chapter, parang nagsisimula ako ulit."

ADVERTISEMENT

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita na magiging Kapamilya na ang aktor matapos niyang tanggapin ang proyekto ng Star Cinema kasama sila Angelica Panganiban at Angel Locsin.

Taong 2008 noong unang lumabas ang anak nila Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa pelikula ng Star Cinema na "For The First Time" kung saan nakasama niya si KC Concepcion.

Matapos ang higit isang dekadang pananatili niya sa GMA-7, bumida si Richard at ang kanyang pamilya sa reality show na "It Takes Gutz To Be A Gutierrez." Nag-promote pa nga ito sa "Gandang Gabi Vice."

Matapos ang matagumpay na pag-ere nito sa E! Asia, ipinalabas rin ang nasabing reality show sa North America, Middle East, Europe, Australia at iba pang parte ng Asia Pacific sa pamamagitan ng The Filipino Channel ng ABS-CBN.

Noon 2015, nagsimula nang mapanood si Richard sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng "Kapamilya Deal Or No Deal," "It's Showtime" at "Rated K."

Bago ang paglipat ni Richard sa ABS-CBN, una nang naging parte ng network ang kanyang partner na si Sarah Lahbati, ina ng kanyang anak na si Zion.

Parte din ng sikat na seryeng "Ang Probinsyano" ang ama ni Richard na si Eddie Gutierrez.

Hindi man dinatalye ni Richard ang role niya sa parating na serye, inamin niya na "very exciting" at "very challenging" ang magiging karakter niya sa "La Luna Sangre."

"First time na I'll be portraying something like this. Dream role ko ito. It's an offer I can't refuse," ani Richard.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.