Silipin: 2 Korean cuties, makakasama si Devon Seron | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Silipin: 2 Korean cuties, makakasama si Devon Seron

Silipin: 2 Korean cuties, makakasama si Devon Seron

ABS-CBN News

 | 

Updated May 19, 2017 10:14 PM PHT

Clipboard

Nasa Pilipinas ngayon ang Korean stars na sina Hyun Woo at Jin Ju Hyeong para sa isang meet-and-greet at shooting ng pelikula nila kasama ang dating Pinoy Big Brother Housemate na si Devon Seron.

Kukunan sa Pilipinas ang ilang mga eksena kaya naman nakasasabik, lalo pa't ang production crew sa likod ng proyektong ito ay ang team na gumawa ng Korean drama series na 'Goblin'.

Parang nasa langit ang pakiramdam ni Seron dahil bibida siya sa Korean movie na 'You with Me', at makatatambal niya rito ang dalawang nasabing Korean actors.

Nag-audition at dumaan sa matinding makeover si Seron para sa role.

ADVERTISEMENT

"Pinaghirapan ko talaga ito at wala talaga ako sa original list kaya nag-gate crash audition ako. Nagpa-makeover talaga ako. Nag-iba ang kulay ng buhok, tapos nagpaiksi ako, parang sabi ko nga, 'ako pa ba ito?'" kuwento niya.

Blessing ito kay Seron na magdiriwan ng kaarawan bukas. Sina Hyun Woo at Jin Ju Hyeong naman na bida sa K-drama series na 'Hwarang' ang magiging ka-love team niya rito.

Sinabi ni Jin Ju Hyeong na excited na siyang makatrabaho si Seron.

Ikalawang beses na ng nasabing aktor sa Maynila.

Sinabi niyang dati siyang nakatira sa Singapore, at nagpunta siya ng Maynila noong nasa fourth grade siya.

Ayon naman kay Hyun Woo, gusto niya pang gumawa ng maraming proyekto rito sa bansa.

Sabik naman na silang makita ang kanilang mga fans dito sa bansa.

Mag-asawang Pinoy ang nasa likod ng pelikula, at Pinoy din ang direktor. Suportado naman ng gobyerno ng Korea ang proyekto, at makakatrabaho nila ang crew sa likod ng K-drama series na 'Goblin'.

Gusto ring matuto ng wikang Korean si Seron para sa pelikula.

"Yes, mag-aaral muna ako mag-Korea, then turuan ko silang mag-English," ani Seron.

Sa susunod na buwan, magsisimula na silang mag-shoot sa Seoul, South Korea. Magsu-shoot din sila ng eksena sa Pilipinas, at ipalalabas ang pelikula sa Setyembre sa dalawang bansa.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.