PANOORIN: Kasalang Cardo at Alyana sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at May 19 2017 10:28 PM | Updated as of May 20 2017 02:35 AM

MANILA -- Puno ng ngiti at puting rosas ang kasalang Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) nitong Biyernes. 

Dinaluhan ito ng mga pinakamahahalagang tao sa kanilang buhay, ang mga naging saksi sa kanilang matagumpay na love story.

Suot ang puting traje de boda, marahang naglakad patungo sa altar si Alyana na punong-puno ng pangarap para sa bagong kabanata ng kanyang buhay. 

Si Cardo nama'y buong ngiti habang pinagmamasdan ang kanyang mapapangasawa. Sa wakas, handa na siyang ibaling ang kanyang atensyon sa sariling kasiyahan. 

Ang kasalang Cardo at Alyana ay ginanap sa Tagaytay. 

Ngunit sa gitna ng masayang selebrasyon, nakakubli ang isang panganib na dala ni Joaquin (Arjo Atayde). Walang ideya si Cardo na ang buong simbahan pala ay napapalibutan ng bomba na naghihintay lamang sumabog pagkatapos ng palitan nila ng "I do." 

Tutukan ang mga susunod na pangyayari sa "Ang Probinsyano" sa Lunes pagkatapos ng "TV Patrol." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.