PANOORIN: Miss Tres, nagpabilib sa 'Britain's Got Talent'

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 04:29 PM

Minsan na nilang napahanga ang bansa at kalaunan ay ang Asya sa kanilang natatanging pagtatanghal.

Ngayon, isa na namang global talent search ang sinalihan ng Miss Tres, ang Pinoy singing trio na nakilala dahil sa malalim at panlalaking boses ng mga miyembro na tila taliwas sa kanilang pambabaeng hitsura.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Lumabas ang Miss Tres sa May 12 episode ng "Britain's Got Talent" Season 12, kung saan matagumpay nilang nakuha ang "yes" mula sa lahat ng hurado sa audition matapos awitin ang "Sexbomb" ni Tom Jones.

Kabilang sa mga hurado ang comedian na si David Walliam, singer na si Alesha Dixon, host na si Amanda Holden, at ang tanyag na talent search judge at producer na si Simon Cowell.

Nakabiruan pa ng mga miyembro ng Miss Tres si Cowell dahil noong una ay hindi batid ng mga hurado at mga manonood na transgender ang mga ito.

Unang lumabas ang Miss Tres sa "Pilipinas Got Talent" noong 2013 at umabot hanggang semifinals. Lumabas din sila sa "Asia's Got Talent" noong 2015.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.