Mccoy, Elisse naghahanda na sa bagong serye | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mccoy, Elisse naghahanda na sa bagong serye

Mccoy, Elisse naghahanda na sa bagong serye

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Inamin nila Mccoy de Leon at Elisse Joson na isang malaking hamon sa kanila ang bagong serye ng ABS-CBN na "Kung Kailangan Mo Ako."

"Ito po 'yung bukod sa 'Ang Probinsyano' mas matinding challenge ito sa amin bilang love team. Kasi dito po sa 'Kung Kailangan Mo Ako,' 'di lang po kami ang love team dito, nandito din po ang 'Elnella,' 'yung 'Nlex' at kasabayan namin ay beteranong actors. So ang pressure sa amin ay sobrang-sobra, kaya kailangan naming (galingan)," ani Elisse sa panayam nila ni Mccoy sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkules.

Bukod kay Janella Salvador, Elmo Magalona, Nash Aguas at Alexa Ilacad, tampok din sa "Kung Kailangan Mo Ako" ang mga dekalibreng artista na sila John Estrada, Mylene Dizon at ang nagbabalik Kapamilya na si Eula Valdez.

Sa ngayon, masaya sila Mccoy at Elisse sa mas lumalalim nilang samahan.

ADVERTISEMENT

"Mas nakilala ko po siya, siya 'yung tipo ng babae na sweet, mabait," ani Mccoy.

Para kay Elisse, masaya siya na ngayon ay mas nagiging bukas at hindi na mahiyain sa kanya ang ka-love team.

"From the very beginning alam natin na mabait siya pero ngayon mas nagiging makulit na siya kasi' di na siya nahihiya sa akin, mas nago-open up na po siya," ani Elisse.

Matatandaang nabuo ang samahan ng dalawa sa pagsali nila sa reality show na "Pinoy Big Brother: Lucky 7."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.