Jolo Revilla, papasok sa 'Ang Probinsyano' ni Coco

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 11:56 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Masayang nagdiwang ng kanyang 50th birthday si Lani Mercado noong April 13.

Dito naibahagi ni Lani na kasama sa kanyang hiling sa kaarawan ay ang masayang ending sa pagmamahalan ng anak na si Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria.

"Ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon. Alam mo ang mag-boyfriend talaga hindi mo masabi 'yan, minsan on, minsan off. Pero matatanda na sila. Sana 'yung wishes din nila magkaroon ng katuparan. Naghihintay lang ako," ani Lani.

Short answer naman ang reaksiyon ni Jolo sa pahayag ng ina.

"The right timing lang," ani Jolo.

Sa career bilang artista, good news na ikinuwento ni Jolo na papasok na siya bilang special guest sa "Ang Probinsyano."

Napa-trivia pa si Jolo na nagkasama na sila ni Coco noon pa man.

"Nakatrabaho ko na siya before during 'Agimat, Anting-Anting ni Lolo.' Launching film ko 'yon under Imus Productions at saka naging close na rin kami dahil nagkasama kami noon dahil sa 'Agimat' series sa ABS-CBN," ani Jolo.

Pigil muna sa detalye kung ano ang magiging role ni Jolo sa "Ang Probinsyano" basta abangan ang pasabog niyang eksena sa top-rating na teleserye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.