Joshua Garcia, nangako kay Dennis Padilla na hindi niya sasaktan si Julia | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joshua Garcia, nangako kay Dennis Padilla na hindi niya sasaktan si Julia

Joshua Garcia, nangako kay Dennis Padilla na hindi niya sasaktan si Julia

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 16, 2018 09:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Napuno ng kilig ang "Magandang Buhay" sa pagbisita nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nitong Martes, walang humpay ang hiyawan ng mga tagahanga ng dalawa nang tanungin sila tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

"Tulad ng palagi naming sinasabi, siyempre aamin kami sa tamang panahon. Siguro naghihintay lang kami ng perfect time para sabihin. Pero siyempre kita naman sa aksiyon namin kung ano ang nararamdaman namin sa isa't isa. Kita niyo naman sa tingin niya pa lang sa akin," ani Joshua.

Inulit lang din ni Joshua ang naging sagot ni Julia sa "Tonight With Boy Abunda" tungkol sa kung sila na nga ba ng aktres.

"Sino nga ba ang nagsabing hindi pa?" ani Joshua.

ADVERTISEMENT

Para naman kay Julia, naniniwala siyang hindi naman tama na walang "label" ang kanilang relasyon.

"Kasi siyempre I also respect myself as a woman. Hindi naman ako magiging ganito towards a guy who doesn't mean anything to me or who is not special to me. Siyempre, you know there's something there. But you know guys, this is reality. Hindi rin naman kami puwedeng magsabi lang ng mga bagay na ganoon. But we are so lucky that we have supporters who are so respectful sa gusto naming itago sa sarili na lang muna namin," ani Julia.

Samantala, nagbigay rin si Joshua ng mensahe sa ama ni Julia na si Dennis Padilla.

"Una pa lang na na-meet ko si Tito Dennis, ipinangako ko naman kay Tito Dennis na hindi ko sasaktan 'yung anak niya at aalagaan ko siya talaga. Siyempre ang tatay naman gusto niya inaalagaan ang anak niya at hindi sasaktan, normal naman sa tatay yon. Ayon, Tito Dennis, ipinapangako ko sa iyo na iingatan ko si Julia, aalagaan ko siya at hindi ko siya sasaktan tulad po ng sinabi ninyo at hindi po kayo magiging action star," ani Joshua.

Matatandaang sa nakaraang panayam ay sinabi ni Dennis na wala naman siyang problema kay Joshua na nakilala niya noong Father's Day.

Pero ayon kay Dennis, kahit comedian siya ay magiging action star siya kung masasaktan at lolokohin ang anak.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.