'Sana Dalawa Ang Puso' nagsimula na, trending agad sa Twitter

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2018 02:38 PM | Updated as of Jan 30 2018 01:18 AM

 

Mga Kapamilya, nood na ng #SanaDalawaAngPusoGo! #SanaDalawaAngPuso

A post shared by Star Creatives (@starcreatives) on

MANILA -- "One time, big time" na pagbabago. Ito ang susundan ng mga manonood sa pinakabagong serye ng ABS-CBN na "Sana Dalawa Ang Puso" na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla.

Sa pagsisimula ng serye nitong Lunes, ipinakilala na sina Mona at Lisa, ang dalawang karakter na ginagamapan ni Jodi. 

Isang laki sa hirap at mapagmalasakit na anak si Mona na ginagawa ang lahat para sa pangarap na bahay at maginhawang buhay para sa kanyang pamilya.
 
Isang matinding pagsubok ang dumating sa buhay ni Mona nang mabiktima ang kanyang ama ng networking scam. Dahil sa banta sa kanyang buhay at ng kanyang ama, kailangan ng isang paraan para makahanap ng sagot sa kanyang problema.
 
Samantala, taliwas kay Mona ang karakter ni Liza na isang glamorosa at mayamang negosyante. 

Problema naman ni Liza ang dating kasunduan ng kanyang ama at kaibigan nito na ipakasal siya kay Martin (Richard). 

Aabangan naman ng mga manonood ang pagpasok ng karakter ni Robin bilang si Leo Tabayoyong na makikilala ang karakter ni Liza.

Kasama rin sa "Sana Dalawa Ang Puso" sina Christopher de Leon, Alma Moreno, Edgar Mortiz at Boboy Garvillo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, ipinakita ng mga manonood ang kanilang kasiyahan sa pinakabagong serye ng Kapamilya network. Nanguna bilang trending topic sa Pilipinas ang hashtag na #SanaDalawaAngPusoGo sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga tweet ng mga netizens na pinuri ang ganda ng istorya at galing ng mga artista.

Gamit ang Twitter, ipinahatid rin nina Jodi at Richard ang pasasalamat sa lahat ng mga nanood.

Mapapanood ang "Sana Dalawa Ang Puso" sa direksiyon nina Rory Quintos at Mae Cruz-Alviar tuwing Lunes hanggang Biyernes bago ang "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.