'ASAP TLC': Paano tinanggap ang napagkasunduang kasal? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'ASAP TLC': Paano tinanggap ang napagkasunduang kasal?

'ASAP TLC': Paano tinanggap ang napagkasunduang kasal?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagaman ikinasal sa hindi niya kilala, kalauna'y nahanap ni Elvira Mendoza ang kaligayahan sa piling ng lalaking napangasawa.

Tampok ang kuwentong pag-ibig ni Mendoza sa segment na "TLC" ng ASAP nitong Linggo.

Noong bata pa si Mendza, madalas siyang lumalahok sa mga pista at pageant sa Bulacan.

Dito niya napukaw ang damdamin ni Eugenio.

ADVERTISEMENT

Ang mga magulang ng binata ang gumawa ng paraan para mauwi sila ni Elvira sa harap ng altar.

"Araw-araw nagtutungo sa'min magulang niya para manuyo," kuwento ni Elvira. "Noong nag-uusap na 'yong mga magulang namin, 'di na nakatanggi magulang ko, pinagkasundo ako."

Nabigay pa ang pamilya ni Eugenio ng "dote" o mga regalong ibinibigay sa pamilya ng babae para makuha ang kaniyang kamay sa kasal. Kabilang dito ay pera, bahay, magarbong kasalan, at negosyo para kay Elvira.

"Ayokong sumasama loob ng mga magulang ko kaya sinunod ko na 'yong gusto nila," ani Elvira.

Tila ibinigay si Elvira sa isang estranghero dahil noong araw ng kasal lang umano niya nakausap ng harapan si Eugenio.

ADVERTISEMENT

"Noong kinasal kami, tinanggap ko na. Noon ko lang siya kinausap ng maayos," ani Elvira.

Habang tumatagal ang kanilang pagsasama, mas nakilala ni Elvira ng lubusan ang kaniyang napangasawa.

Nagkaroon sila ng apat na anak.

"Nung makilala ko na siya nung nagsasama na kami, napakabait niya. Kung ano gusto ko, sinusunod niya," aniya.

"Sa buhay 'di mo talaga masasabi kung ano ang nakatadhana sa'yo, kung magiging masaya ka o malungkot. Oras lang ang makapagsasabi," dagdag ng ginang.

ADVERTISEMENT

Bagaman pumanaw na si Eugenio, sinabi ni Elvira na nararamdaman pa rin niya ang kalinga ng mister.

"Mahal na mahal niya ako, napamahal na rin siya akin," ani Elvira.

Handog nina Erik Santos at Angeline Quinto ang awiting "Love Moves In Mysterious Ways" para kay Elvira.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.