Kita ng 'The Revenger Squad,' pumalo ng P571 milyon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kita ng 'The Revenger Squad,' pumalo ng P571 milyon

ABS-CBN News
Published Jan 19, 2018 09:09 PM PHT

Buong puwersa ang cast at crew ng "Gandarrapiddo: The Revenger Squad" sa victory at thanksgiving party nila nitong Huwebes ng gabi.

Sa latest overall Philippine domestic gross kasi nito noong Enero 17, umabot na ang kita ng nasabing pelikula sa P571 milyon.

Nilagpasan na nito ang domestic box office record ng "Super Parental Guardians" na humigit kumulang P550 milyon noong 2016.

Umaapaw naman ang saya nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, direktor na si Joyce Bernal, at iba pang bituin.

ADVERTISEMENT
Absent nga lang si Daniel Padilla sa okasyon pero dumating naman para sa kaniya ang ina na si Karla Estrada.

“Overwhelmed po kami dahil again, for the nth time, ay highest grossing Filipino movie na naman ang binigay namin sa inyong pelikula ngayong taon. Ang pinakamasaya rito ay ‘yung thought na every year ay parami nang parami ‘yung taong napapasaya mo,” ani Vice Ganda.

“Maraming salamat na naging part ako ng pelikula na ‘to. Lagi kong sinasabi, alam niyo namang lahat, first-ever movie ko na lead. Sobrang saya ko,” pasasalamat naman ni Wurtzbach.

Maugong naman ang planong followup sa "Gandarappido” pero sa gitna ng selebrasyon, sinabi ni Bernal na hindi na niya magagawa ang sequel dahil sa dami ng kaniyang trabaho.

Inaasahang aabot pa sa higit P600 milyon ang kita ng "The Revenger Squad" sa patuloy nitong showing sa mga sinehan sa Pilipinas at sa worldwide theatrical release nito.

Nag-victory party din ang ibang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries na "Siargao" at "Ang Larawan."

Sa susunod nilang project, plano ng producer ng "Ang Larawan" na isapelikula ang musical na "Katy" tungkol sa buhay ng bodabil queen na si Katy de la Cruz. Inaasahang tampok dito sina Sarah Geronimo at Piolo Pascual.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
Mario Dumaual
Gandarrapiddo: The Revenger Squad
MMFF
pelikula
Tagalog news
PatrolPH
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT