Lalaking naubusan ng ulam, nagwala; 1 patay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking naubusan ng ulam, nagwala; 1 patay

Lalaking naubusan ng ulam, nagwala; 1 patay

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinaliliwanag ng suspek na si Alberto Ople kung bakit niya sinaksak at napatay ang kapitbahay na umawat sa kaniyang pagwawala. Arra Perez, ABS-CBN News

MANILA - Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin nang awatin niya ang kapitbahay na nagwala matapos hindi matirhan ng ulam ng kaniyang ina sa Malabon, Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alberto Ople, 25 at ang biktima na si Jay Ranile, 44.

"Di siya (Ople) tinirhan ng ulam. Kinalampag niya ang pader nila, e magkadikit lang bahay nila at nung biktima," sabi ng imbestigador na si PO3 Julius Mabasa.
"Para talagang iniinis niya ang biktima. At naghanda siya na sasaksakin niya ito kasi may dala na siyang patalim."

Kuwento naman ng suspek ni Ople, natakot siya kaya sinaksak niya ang kapitbahay.

ADVERTISEMENT

"Nagtatalo kami ng nanay ko. Gusto yata magpasikat [ni Ranile], hinila ang paa ko. Sa sobrang takot ko, sinaksak ko. Ang laking tao nun. Inunahan ko na," sabi ng suspek.

Pitong saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng biktima. Sugatan naman ang isa pang residenteng umawat din sa gulo.

Sumuko si Ople sa mga pulis. Inamin din niyang nakainom siya bago ang krimen.

Payo naman ni Mabasa sa publiko, "Kapag lasing, 'wag na patulan. Hangga't maaari, habaan na lang ang pasensya."

Nahaharap ang suspek sa kasong homicide at physical injuries. - Ulat nina Arra Perez at Ernie Manio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.