Lamay ng dalaga sa Ilocos Norte, kulay pink at may temang Hello Kitty | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lamay ng dalaga sa Ilocos Norte, kulay pink at may temang Hello Kitty

Lamay ng dalaga sa Ilocos Norte, kulay pink at may temang Hello Kitty

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

ILOCOS NORTE - Malayo sa nakagawian, buhay na buhay ang lamay ng dalaga na si Dynah Rose Benigno, 20 anyos, sa Barangay Lubnac sa bayan ng Vintar, llocos Norte.

Sa kulay pink na pinto ng kanilang bahay, sasalubong sa mga bisita ang maraming larawan ni Benigno.

Puti at pink na mga tela at bulaklak naman ang nakasabit sa kisame ng kanilang bahay.

Kilalang fashionista kasi si Benigno.

ADVERTISEMENT

Agaw atensyon din ang Hello Kitty stickers sa gilid ng kaniyang kabaong.

Pati sa loob, punung-puno rin ng mga nakasabit na larawan na nagpapaalala sa mga masasayang araw ni Benigno kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Kung puti o itim ang ginagamit na tali na inilalagay sa ulo ng mga miyembro ng pamilyang namatayan bilang pagsunod sa pamahiin, ang pamilya Benigno ay kulay pink ang ginamit. May tali ring pink sa ulo ang alagang aso ng namayapa.

Kulay pink din ang damit ng dalaga.

Ayon sa ina ni Benigno na si Daisy, hiling daw ng anak nang siya ay nabubuhay pa lamang na gawing pink at Hello Kitty ang tema ng kaniyang lamay.

Ayaw daw kasi nito na maging malungkot ang lamay.

"Pinaghirapan naming ibigay lahat, ang kaniyang kabaong, kahit paano, para lamang maibigay ang kaniyang mga gusto," sabi ng ina.

Namatay si Benigno nitong Oktubre 17. Una siyang naoperahan dahil sa ectopic pregnancy pero lumalabas sa death certificate ng dalaga na pneumonia ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

"Alam kong masaya na siya dahil nakikita naman niya ang aming effort," ani Joey Damo, boyfriend ni Benigno.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.