2 tsuper na nag-agawan ng pasahero, nagsuntukan

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2018 12:42 AM | Updated as of Feb 20 2018 12:43 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv
Kuha ni Mary Joy Verano

Dalawang jeepney driver ang nagsuntukan matapos umanong mag-agawan ng pasahero sa Cagayan De Oro City nitong Sabado.

Kita sa video na kuha ni Mary Joy Verano ang palitan ng suntok ng 2 habang nakatingin lang ang ibang mga lalaki sa Barangay Tablon pasado alas-8 ng umaga.

Huminto pa sila sandali nang tanggalin ng lalaking naka-T-shirt ang kaniyang kuwintas.

Nagsuntukan umano uli ang 2 ngunit huminto lang din na parang walang nangyari.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Kuha ni Mary Joy Verano

Ayon kay Verano, nagka-ayaan na magsuntukan ang 2 matapos umano silang mag-agawan ng pasahero.

Pumunta ang ABS-CBN News sa pulisya para tingnan kung nai-report ang insidente pero wala ito sa kanilang record.

Paalala nila, huwag na lang iuwi sa gulo ang init ng ulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.