Dagdag sahod para sa minimum wage earners sa NCR, inaprubahan

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 12:19 PM | Updated as of Sep 16 2017 01:37 AM

Photo by Mark Demayo, ABS-CBN News

Inaprubahan na ng NCR wage board ang umento sa sahod para sa minimum wage earners, Biyernes.

Sa bisa ng Wage Order No. NCR-21 na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR, magkakaroon ng P21 umento ang mga manggagawa ng iba't ibang sektor.

Mula sa P481 na sahod kada araw, magiging P512 na ang minimum wage para sa mga manggagawa na nasa non-agriculture sector. Mula naman sa P444 kada araw, magiging P475 ang sahod ng mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, retail, at manufacturing.

Sakop ng kautusan ang lahat ng minimum wage earners sa rehiyon, anuman ang posisyon o status of employment.

Ipinatutupad ang umento bilang tugon sa petisyon na inihain ng ilang organisasyon at matapos ang konsultasyon sa iba't ibang stakeholders.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.