P3.8-B halaga ng MRT trains, balak ibalik sa Tsina | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P3.8-B halaga ng MRT trains, balak ibalik sa Tsina

P3.8-B halaga ng MRT trains, balak ibalik sa Tsina

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 14, 2017 03:22 AM PHT

Clipboard

MANILA - Pinag-iisipan ng pamahalaan na isauli ang P3.8 bilyon halaga ng mga tren na binili mula sa Tsina makaraang mapag-alamang hindi angkop ang mga ito para sa Metro Rail Transit Line 3, sinabi ng isang opisyal Miyerkoles.

Sa pagdinig ng Senado ukol sa hiling na P75.6 bilyon na budget ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni Undersecretary Cesar Chavez na nakikipag-usap na ang ahensa sa third party experts para makakuha ng dokumentong nagsasabing hindi na magagamit ang Dalian trains.

Matatandaang sinubukan pa ng DOTr na ayusin ang signalling system ng mga tren upang magamit amg mga ito ngayong taon.

Ilan sa sinasabing problema ng tren ang bigat nito, na maaaring makasira sa kasalukuyang riles ng MRT.

"Ikinalulungkot kong sabihin na mas klaro na ngayon na ang mga train na inorder ng nakaraang administrasyon ay hindi talaga compatible sa ating mga riles ngayon," ani Senador Grace Poe, chairperson ng committee on public services.

ADVERTISEMENT

"Baka kailangan nating isauli at hindi bayaran. Mag-uumpisa na naman tayo sa umpisa na kumuha ng mga train na maayos."

Posibleng simula aniyang suriin ang mga tren sa Oktubre.

Sakaling matuloy na ibalik ang mga ito sa Tsina, matutulad ang Pilipinas sa Singapore at Malaysia na nagbalik din ng kanilang mga biniling Dalian trains.

-- Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.