Presyo ng gulay, isda, tumaas; habagat sinisi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng gulay, isda, tumaas; habagat sinisi

ABS-CBN News
Published Aug 14, 2018 10:27 PM PHT
|
Updated Dec 12, 2019 06:47 PM PHT

Tumaas ang presyo ng ilang gulay at seafood sa palengke. Sinisi ito ng mga tindero sa masamang panahon nitong mga nakaraang araw.

Sa Balintawak Public Market, tumaas na ng P5 hanggang P60 ang presyo kada kilo ng mga gulay. Ayon sa mga nagtitinda roon, dahil ito sa hirap na ibiyahe ang mga gulay galing Cordillera papunta sa Metro Manila.

Samantala, P10 hanggang P20 ang itinaas ng presyo ng mga isda roon dahil hirap makakuha ng paninda at nasira sa baha ang ilang palaisdaan dahil sa habagat.

Presyo ng isda ngayon:
Presyo ng isda ngayon:
ADVERTISEMENT
- Tulingan P100/kilo (mula sa P90/kilo)
- Pusit P130/kilo (mula sa P120/kilo)
- Matambaka P130/kilo (mula sa P120/kilo)
- Bangus P160/kilo (mula sa P140/kilo)
- Tilapia P115/kilo (mula sa P95/kilo)
- Galunggong P140/kilo (mula sa P130/kilo)

Samantala, tumaas na rin ang presyo ng mga gulay sa Pasig City Mega Market:

- Sibuyas na pula P110/kilo (mula sa P100/kilo)
- Sibuyas na puti P160/kilo (mula sa P130/ kilo)
- Bawang (native) P240/kilo (mula sa P220/kilo)
- Talong P80 (mula sa P50)
- Sitaw P90 (mula sa P83)
- Repolyo P110 (mula sa P90)
- Carrots P107 (mula sa P70)
- Cauliflower P201 (mula sa P140)

Sapul ang mga mamimili, tulad ng may-ari ng karinderya na si Nida Ramirez, na nangangambang mawalan ng customer kapag kinontian nila ang kanilang serving dulot ng inflation.

"Kami pong mga nagka-canteen, magkano lang po ang kinikita namin, hindi po kami makapagdagdag ng presyo sa ulam. Kawawa naman po 'yung customer," aniya.

Aminado naman ang Department of Trade and Industry na halos 40 percent ang itinaas ng mga basic goods tulad ng delata, kape, tinapay, at iba pang juice dahil sa tax reform law.

“From January an'dami naman talagang dahilan lalo na 'yung presyo ng krudo natin in the international market hindi lang sa Pilipinas 'yun," ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.

NFA rice, pinipilahan ng mga mamimili dulot ng mataas na presyo ng commercial rice
Samantala, naging sandigan ng mga mamimili ang commercial rice sa mga palengke dulot ng mataas na presyo ng NFA rice.

Sa Mega Q-Mart, nagkakahalaga ng P43 hanggang P74 kada kilo ang commercial rice, kaya naman tinitiis ng ilang mamimili tulad ni Victoria Sequenia ang dalawang oras na pila para makakuha ng mas abot-kayang bigas.

"Nagtitipid na lang kami ng saing imbes na dalawang gatang, isang gatang na lang para umabot nang matagal-tagal. Di lang naman po bigas ang bibilhin, may ulam din eh. 'Yung apo ko pa naggagatas," aniya.

Aminado ang Department of Agriculture, mataas ang presyo ng bigas dahil mataas ang bilihan ng mga palay sa mga magsasaka ngayon.

“Gusto ko man sabihin sa inyo na kaya naming pababaan 'yan, pero ang bilihan ng mga palay ngayon between 20-25 pesos," sabi ng kalihim ng DA na si Manny Piñol.
Kasama rin dito ang antala sa pagdating ng imported rice at pagkukulang sa tamang koordinasyon ng mga ahensiya sa ukol sa bidding at pagdating ng bigas sa bansa.

Dapat daw kasi na dumating ang bagong suplay ng bigas kapag lean months, o mula Hulyo hanggang Setyembre.

"The tight rice supply right now with the delay in the arrival of imported rice, as I have said earlier... which was supposed to come during the lean months," paliwanag ni Piñol.

Sa kabila ng mahabang pila sa mga bilihan ng kanilang bigas ay nilinaw ng National Food Authority na walang pagkukulang sa supply nila.

Pero nanawagan si Sequenia na maging maayos na ang suplay ng NFA rice sa mga pamilihan para makabili siya ng mura at de-kalidad na bigas.

-- Ulat nina Jacque Manabat at Kori Quintos, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT