Strawberry vendors umaasa sa online sellers para makabenta sa gitna ng pandemya
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Strawberry vendors umaasa sa online sellers para makabenta sa gitna ng pandemya
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 10:36 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2020 11:08 PM PHT

LA TRINIDAD, Benguet — Limitado pa rin ang galaw ng publiko dahil sa pandemya at hindi rin makausad ang maraming kabuhayan.

Kabilang dito ang mga umaasa sa strawberry farm ng La Trinidad, Benguet.

Si alyas "Marie," inilalako na lang sa online sellers ang kaniyang tindang strawberry na dating mabilis napapakyaw ng mga turista sa lugar.

"Grabe napakalaking lugi na dahil sa nangyayari na pandemic. Sana matapos na 'tong COVID para back to normal na tayong lahat," ani Marie.

Local tourists lang ang pinapayagan sa ngayon ng La Trinidad dahil patuloy na nakapagtatala ng COVID-19 cases sa lugar at karatig-lugar na Baguio.

Ayon sa pamahalaang lokal, hihintayin nila ang ibabang panuntunan ng IATF sa Agosto 16 at update mula sa Department of Health bago magluwag ng regulasyon.

"Meron na kaming tourism plan. Kaya lang, hindi muna sa foreign tourists at saka sa ibang lugar. But, kung mag-o-open 'yung Baguio, siguro 'yun ang gagawin namin. Kasi hindi namin muna ipatigil kung darating sila sa strawberry farm kasi hindi sila aakyat sa Baguio kung hindi sila pupunta sa strawberry farm," ani La Trinidad Mayor Romeo Salda.

—Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT