Mga may sari-sari store, nangangamba sa buwis sa inuming may asukal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga may sari-sari store, nangangamba sa buwis sa inuming may asukal

ABS-CBN News
Published Aug 10, 2017 07:23 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2017 12:07 AM PHT

Nag-ikot sa mga tanggapan ng mga senador ang ilang may-ari ng sari-sari store.

Anila, pasakit sa kanila ang panukalang patawan ng dagdag na buwis ang mga inuming may halong asukal.

Sa ilalim kasi ng panukalang tax reform, magkakaroon ng dagdag buwis ang "sugar sweetened beverages". Kapag nagkataon, mapapatawan ng P10 hanggang P20 buwis ang mga inuming may halong asukal gaya ng soft drinks, powdered juice, 3-in-1 na kape, at iced tea.

Puwedeng maging higit P20 ang presyo ng powdered juice sachet na kasalukuyang wala pang P10.
Puwedeng maging higit P20 ang presyo ng powdered juice sachet na kasalukuyang wala pang P10.
ADVERTISEMENT
Ang isang litrong soft drink naman na ngayo'y nasa P27 ang presyo, posibleng maging P38 na kapag lumusot ang panukala.

Iyan pa naman ang mga kadalasang ibinebenta ng mga sari-sari store.

Giit ng sari-sari store owners, ang dati nilang nasa P600 na kita sa mga produktong ito kada araw mababawasan ng nasa P200.
Pero sabi ng Department of Finance (DOF), plano naman ng gobyernong bigyan ng buwanang subsidiya ang may sampung milyong mahihirap na pamilyang Pilipino oras na maisabatas ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Bill.

Tatanggap ng P200 monthly subsidy mula sa gobyerno ang bawat mapipiling pamilya.
Pero mismong ang Department of Social Welfare and Development, pinintasan ang planong programa ng DOF.

Ayon kay DSWD Undersecretary Emmanuel Pleyco, napakaliit ng P200 ayudang ibibigay sa mga mahihirap.

Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means inialok na ni Finance Sec. Carlos Dominguez na ibasura ang buwis sa sugar sweetened beverages, basta siguruhin lang na ipapasa ng Senado ang buwis sa produktong petrolyo.

Dalawang public hearing na lang at gagawa na ng rekomendasyon ang komite tungkol sa TRAIN Bill.

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Sherrie Ann Torres
buwis
balita
bilihin
sari sari store
sugar tax
sugar sweetened beverages
tax reform
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT