Mga manggagawa, inaasahan ang pagpirma ni Duterte ng EO ukol sa 'endo' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga manggagawa, inaasahan ang pagpirma ni Duterte ng EO ukol sa 'endo'

Mga manggagawa, inaasahan ang pagpirma ni Duterte ng EO ukol sa 'endo'

ABS-CBN News

Clipboard

Nakatakda umanong pirmahan sa Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang final draft ng Executive Order (EO) na layong bigyang-linaw ang sari-saring anyo ng kontraktwalisasyon.

Ayon sa tagapagsalita ng labor group na Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na si Alan Tanjusay, natanggap na ni Duterte ang kopya ng draft EO Biyernes ng gabi at naniniwala sila na pipirmahan ito ng Pangulo bilang pagtupad sa kaniyang pangako na wakasan ang endo.

"We were invited in Malacañang [on Monday] to witness the signing. We were told the DOLE (Department of Labor and Employment) handed the EO to the Office of the President," ani Tanjusay sa ABS-CBN News.

Wala pang pahayag ang Palasyo ukol sa EO.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tanjusay, nagsanib-puwersa ang mga labor groups sa pagbalangkas ng naipasang EO.

"The labor groups ALU-TUCP, NAGKAISA, and KMU (Kilusang Mayo Uno) drafted the EO," dagdag ni Tanjusay.

Kabilang sa mga labis na tinututulan ng labor groups ang tinatawag na "endo" or end of contract, at ang "555" o iyung pag-terminate ng kontrata sa ika-5 buwan at pag-renew muli ng 5 pa upang maiwasan ang pag-regular ng trabahador.

Ayon pa kay Tanjusay, alas-4 ng hapon sa Malacañang gagawin ang pagpirma at dadalo ang mga labor leaders upang tunghayan ang "makasaysayang" EO.

Tinatayang nasa 28 milyon na manggagawa ang kontrakwal sa bansa.

--May ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.