Presyo ng pad paper, notebook, tumaas | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng pad paper, notebook, tumaas

Presyo ng pad paper, notebook, tumaas

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-abiso ang mga paper manufacturer na nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng school supplies gaya ng pad paper at notebook bunsod ng pagtaas ng presyo ng papel sa pandaigdigang merkado.

Labinlima hanggang 20 porsiyento ang dagdag-presyo sa paper school supplies, ayon sa Philippine School Pads and Notebooks Manufacturers Association (PHISPANO).

Katumbas ito ng P1.50 hanggang P2 kada item ng papel.

Pero ayon kay PHISPANO president Gerry Lim Bon Hiong, mas malaki pa dapat ang porsiyento ng dagdag.

ADVERTISEMENT

"We should increase more than that, around 20 or 30 percent, around 40 percent but we cannot because of the consumer viability. So we have to absorb some of the cost," aniya.

Dahil umano ito sa pagtaas ng presyo ng papel sa pandaigdigang merkado dahil sa tindi ng demand o pangangailangan ng Tsina.

Sa isang puwesto sa Mega-Q-Mart sa Quezon City, naramdaman na ang taas-presyo.

"Hindi naman natin maiwasan iyon kasi lahat naman talagang tumaas," sabi ni Rosie Bulaong, tindera ng school supplies.

Nakatakdang pulungin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga opisyal ng PHISPANO sa susunod na linggo.

"If we see that it's not reasonable or kung masyadong mataas iyong pagtalon ng presyo, kakausapin natin sila," ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Dagdag pa ng PHISPANO, kapag nagtuloy-tuloy ang pagmahal ng papel sa merkado, mapipilitan silang magtaas ulit ng presyo sa third quarter hanggang mga huling buwan ng 2018. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.