French dance group, lilikom ng donasyon para sa mga pabahay sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2017 03:16 AM | Updated as of Jun 10 2017 04:02 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Misyon ng isang all-female French hiphop dance group na 'The Swaggers' ang makalikom ng pondo at donasyon para sa mga proyektong pabahay sa bansa. 

Nasa bansa ngayon ang grupo para sa serye ng mga mall show na naglalayong magpasaya at makaipon ng pera para sa mga housing projects sa Pilipinas.

Nakapagpatayo na sila ng dalawang rehabilitation sites sa Northern Cebu para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda. 

Target naman nila ngayon na makapagpatayo ng pangatlong village sa Bogo City sa Cebu. 

 Aspring dancers, nagpakitang-gilas sa G-Force dance concert

Nagpakitang-gilas naman ang mga nangangarap maging dancer na mga bata't matatanda sa ginanap na dance concert ng grupong G-Force. 

Ipinamalas ng mga aspiring dancer ang mga natutuhan nila mula sa G-Force dancers na nagsilbing kanilang mga guro sa loob ng ilang linggo. 

Naroon ang ilang celebrities na nanood gaya nina Amy Perez, Iñigo Pascual, at KZ Tandingan. 

Dagdag kinang naman sa mga nagtanghal ang bigay-todong performance ng bida ng Wildflower na si Maja Salvador at ng breakthrough star na si Awra.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.