TRENDING: Mga pulis, sekyu, nagtagisan sa pagsasayaw

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2018 09:44 PM | Updated as of Oct 10 2018 07:00 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Viral ngayon sa social media ang mga tinatawag na "dancing men in uniform."

Kabilang sa mga nakuhanan ng bidyo habang sumasayaw ang mga security guard na sina Jason Ruazol at Brix Perez.

Kapwa security guard sa isang supermarket sa Sta. Cruz, Laguna sina Jason at Brix.

Nagpakitang-gilas rin sa pagsasayaw ang mga pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Taong 2013 nang unang mabuo ang fitness team ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Layunin ng grupo na panatilihing malusog ang mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.