Modus? Viral video ng 'nabundol' na magtataho

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2018 12:41 PM | Updated as of Jan 02 2018 01:19 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Naging maugong kamakailan sa social media ang video ng isang lalaking nabundol ng sasakyan habang tila naglalako ng taho.

Sa kuha ng dashcam ng netizen na si Ronald Dizon noong Sabado, bandang alas-12 ng tanghali, makikita ang isang lalaking may bitbit na lalagyanan ng taho at tila naglalako.

Naglakad ito papunta sa gitna ng kalsada at nabundol ang dalang lata ng dumadaan na sasakyan.

Nang bumagsak sa kalsada'y nagpagulong-gulong pa ang lalaki.

Pero ilang sandali pa'y naglakad ito ng paika-ika patungo sa bangketa at naupo.

Tinalakay sa programang "Sakto" ng DZMM ang video dahil marami ang nagtataka kung tunay bang aksidente o modus ang pangyayari.

"'Yong magtataho makikita naman niya iyong kotse, puwede naman siyang umiwas," sabi ng panauhing si Amy Perez.

"Paano mo malaman kung ano 'yong totoo dito sa hindi? Kasi nakikita naman 'yong kotse, bakit sinalubong?"

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.