PatrolPH

Philippine sovereign wealth fund hindi pa napapanahon, ayon sa mga ekonomista

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2022 11:22 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hindi pa napapanahon ang sovereign wealth fund sa Pilipinas, ayon sa ilang ekonomista.

Kamakailan lang, nag-file sina House Speaker Martin Romualdez at ilang kaalyado niya ng House Bill 6398 para sa pagtatayo ng sovereign wealth fund, na tinatawag na "Maharlika Investment Fund" (MIF).

Anila, kailangan ng bansa ng sariling pondo para hindi ito hamakin ng ibang bansa ng pinansyal.

Pero ayon kay Calixto Chikiamco, president ng Foundation for Economic Freedom, magandang ideyaang panukala kung maraming pera ang gobyerno, at hindi katulad ngayon na malaki ang budget deficit.

Babala niya, malaki ang tsansa na ang mga magpapatakbo ng fund ay gagawa ng kalokohan kaya delikado ang fiscal risk na mawala ang pondo na ito na mula sa taumbayan.

Nabanggit niya ang mga anomalyang nangyari sa Malaysia kung saan nagamit ang wealth fund para sa korapsyon. Giit niya, dapat malakas ang rule of law sa bansa.

Ayona naman kay Alvin Ang ng Ateneo de Manila University Economics Department, maganda ang panukala kung dati pa ito naumpisahan.

Giit niya, may kinakaharap na inflation ang bansa kaya mahirap pondohan ang naturang MIF. 

Aniya, kailangan din ng ayuda ng mamamayan dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa. - SRO, TeleRadyo, Dis. 1, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.