PatrolPH

Mambabatas nakikitaan ng problema ang panukalang sovereign wealth fund

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2022 10:55 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nakikitaan ng problema ang panukalang magkaroon ng sovereign wealth fund ang Pilipinas.

Kamakailan lang, nag-file sina House Speaker Martin Romualdez at ilang kaalyado niya ng House Bill 6398 para sa pagtatayo ng sovereign wealth fund, na tinatawag na "Maharlika Investment Fund" (MIF).

Anila, kailangan ng bansa ng sariling pondo para hindi ito hamakin ng ibang bansa ng pinansyal.

Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza, maraming bayan ang may sovereign wealth fund. Pagkakabahala lang niya, wala reserves ang Pilipinas kaya ang objective ng wealth fund ay kwestiyonable.,

Aniya, madaming utang ang bansa, at sa susunod na taon, nasa P2 trillion ang uutangin kaya nakapagtataka na ang timing ng panukalang sovereign wealth fund.

Aniya, hindi siya pabor sa gusto ng mga ilang mambabatas na maglagay ng pondo mula sa national budget.

Nabanggit niya ang mga anomalyang nangyari sa Malaysia kung saan nagamit ang wealth fund para sa korapsyon. Giit ni Daza, dapat may mga safeguard.

Paghihimok ni Daza, hindi dapat madaliin ang panukala at dapat payagan lahat ng mambabatas magsalita tungkol dito. Aniya, walang deadline dapat ang panukala.

Ayon kela Romualdez at ibang mga mambabatas, naka-pattern ang MIF sa mga wealth fund ng mga bansa katulad ng Singapore, China, Hong Kong, South Korea, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Vietnam, at East Timor. - SRO, TeleRadyo, Dis. 1, 2022 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.