PatrolPH

Marcos administration umutang ng panibagong $2 bilyon

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2022 11:20 PM

Watch more on iWantTFC

Bawat Pilipino ay may utang na higit P100,000 para mabayaran ang utang ng bansa, ayon sa eksperto.

Ito ang sinabi ni UP professor emeritus Rene Ofreneo, president ng Freedom from Debt Coalition, matapos umutang ng panibagong $2 bilyon ang Marcos Jr. administration sa mga banyang investor.

Ayon kay Ofreneo, ang naging problema ng gobyerno simula noong Duterte administration ay masyadong dependent sa pangungutang. Aniya, halos P100 billion ang inuutang ng gobyerno sa domestic kada buwan.

Nasa P6 trillion ang national debt nang umupo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto noong 2016, at lumobo ito ng higit P13 trilyon, aniya.

Giit ni Ofreneo, kapag nangutang ang gobyerno, dapat kayang bayaran at malagpasan ang growth target para may pambayad ng utang.

Aniya, noong panahon ng rehimeng Marcos Sr., utang ng utang ang bansa para daw lumago ang ekonomiya, pero nauwi ito sa recession.

Dapat tignan ang ating ekonomiya ngayon ay nasa slippery slope o madulas. Giit niya, dapat busisiin ang sistema ng pangungutang, at dahil isyu ang pagre-raise ng revenue.

Dapat buwisan umano ang mga mayayaman o itatag ang wealth tax. Aniya, dapat ipatawag ng Pangulo ang mga mayayaman sa bansa at magkaisa para sa wealth tax.—SRO, TeleRadyo, Okt. 6, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.