Home > Spotlight Patrol ng Pilipino: Paano magpakita ng kindness sa mga hayop? ABS-CBN News Posted at Oct 05 2023 12:24 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA – Tuwing ika-4 ng Oktubre, ginugunita ang Kindness to Animals Day na idineklara ni dating pangulong Carlos P. Garcia noong 1958. Panawagan nito na maging mabuti at mahabagin sa mga hayop, maliit man o malaki at naghihimok sa mga proyekto at programang may kaugnayan dito. Oktubre 4 din ang pista ni St. Francis of Assisi, na kinikilalang Catholic patron saint ng mga hayop at ng kalikasan. Ilan sa mga paraan para alagaan ang mga hayop ang pag-rescue o pag-adopt ng mga hayop at pag-iiwas sa kanila sa matinding init o sama ng panahon. Sa San Andres Bukid sa Maynila, nagsagawa ng pagkakapon o spaying para sa mga pusa bilang paggunita sa okasyon. Ayon sa veterinarian na si Dr. Glenn Albert “Doc Gab” Almera, may benepisyo ang pagkakapon sa komunidad dahil binabawasan nito ang mga nakakahawang sakit bukod sa kinokontrol ang pagdami ng hayop. Mayroong mga benepisyo naman ang pag-aalaga ng mga hayop, mula sa pagbawas ng stress at pagpababa ng blood pressure, ayon sa National Institutes of Health ng United States. – Ulat nina Zyann Ambrosio, Anjo Bagaoisan, Jeck Batallones, Doris Bigornia, Jeff Canoy, Jeff Caparas, Anna Cerezo, Bianca Dava, Jeffrey Hernaez, Lady Vicencio, Patrol ng Pilipino Paw patrol: Philippine security guards adopt stray cats Showing love to rescues in PAWS SWS: Over 6 out of 10 Filipinos are plant, pet owners Pets help keep people's mental state healthy amid pandemic: DOH, advocates Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Patrol ng Pilipino, Current Affairs, Read More: Patrol ng Pilipino Anjo Bagaoisan Anna Cerezo Bianca Dava Doris Bigornia Jeck Batallones Jeff Canoy Jeff Caparas Jeffrey Hernaez Lady Vicencio Zyann Ambrosio Kindness to Animals Day World Animal Day kapon spaying neutering pets animals