Home > Spotlight Patrol ng Pilipino: Pagsama sa resupply mission ng Pilipinas sa West PH Sea ABS-CBN News Posted at Sep 26 2023 06:05 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA – Mga team mula sa iba-ibang news organization–kabilang ang ABS-CBN News–ang sumama sa naging resupply mission ng Philippine Coast Guard (PCG) at Navy sa BRP Sierra Madre na nasa West Philippine Sea noong Setyembre 8. Anim na oras ang ibiniyahe mula Puerto Princesa patungong Barangay Buliluyan sa bayan ng Bataraza, Palawan kung saan nagsimula ang paglalayag ng dalawang barko ng PCG, ang BRP Sindangan at BRP Cabra. Patrol ng Pilipino: Paano napunta sa West Philippine Sea ang BRP Sierra Madre? Bago tumungo ng Ayungin Shoal, dumaan muna ng Sabina Shoal ang dalawang barko para makipatagpo sa dalawang chartered boats na may kargang supply ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Nagkaroon ng habulan sa dagat sa pagitan ng Chinese Coast Guard at ng Pilipinas. Naharang at nakagitgitan din ng mga barko ng China ang apat na barko ng Pilipinas. Nakalusot naman ang dalawang supply boats at naging matagumpay ang resupply mission ng PCG at AFP makalipas ang tatlong oras na habulan. – Ulat ni Bianca Dava, Patrol ng Pilipino PH Coast Guard wants more radars, ships in West PH Sea Philippines says China 'harassed' new resupply mission for BRP Sierra Madre China's actions vs PH vessels in latest Ayungin Shoal resupply mission 'irresponsible': Teodoro Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Patrol ng Pilipino, Current Affairs, Tagalog News Read More: Patrol ng Pilipino Bianca Dava West Philippine Sea Philippine Navy Philippine Coast Guard BRP Sierra Madre BRP Sindangan BRP Cabra Palawan Ayungin Shoal Resupply Mission China Harassment Chinese Vessels