PatrolPH

ALAMIN: Ano ang rido?

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2022 11:46 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Ano nga ba ang tinatawag na rido?

Ayon kay Dr. Gerald Abergos, isang sociologist, matatawag na rido ang isang tunggalian kung nag-uubusan na ng lahi ang magkaaway na mga pamilya.

Ang rido ay tungkol sa paghihiganti, at mas nagiging masaya umano ang isang kampo kung nahihirapan ang kanilang kalaban.

Ani Abergos, may mga pamilya na nakakasanayan nang gawin ang paguubos ng lahi upang makaganti.

Dapat na may tinatawag na "elder" o lider na pumapagitna sa alitan ng dalawang pamilya.

Saad ni Abergos, PNP ang makakasagot kung rido ba o alitan ng dalawang pamilya ang kaso ng pagpatay sa dating mayor ng Lamitan, Basilan sa Ateneo de Manila University at pagpatay sa tatay ng suspek sa pamamaril. - SRO, TeleRadyo, Hulyo 29, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.