PatrolPH

Mga estudyante sa K-12, hindi skills-oriented: grupo

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2022 12:40 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Masyadong maraming inaaral ang mga bata sa ilalim ng K-12 program kaya hindi nagiging makabuluhan ang edukasyon ng mga estudyante, saad ng isang education advocacy group.

Ayon kay Prof. Lizamarie Campoamor-Olegario, head ng research team ng Sequre Education Movement, dapat nakatutok sa course skills at hindi sa memorization ang implementasyon ng K-12.

Aniya, sa development skilla ay makikita kung employable ang isang mag-aaral.

Giit niya, kailangan na magkaroon ng mentoring sa mga teacher at hindi lang dapat webinar lecture. Dapat ring skills-oriented na ang mga bata at obserbahan ang mga guro sa kanilang pagtuturo.

Ani Campoamor-Olegario, hindi 100% literate ang mga Pilipino, dahil nakakabasa sila pero hindi naiintindihan ng iba ang kanilang mga binabasa.—SRO, TeleRadyo, Hulyo 18, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.