PatrolPH

'Spam messages maituturing na cyber security threat'

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2022 11:57 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Maituturing na cybersecurity threat ang mga natatanggap na spam messages, ayon sa security experts ng ilang telecommunication companies.

Ayon kay Angel Redoble, chief information security officer ng PLDT-Smart Telecom, isa sa mga dahilan kung paano nakukuha ng mga spammer o scammer ang number ng isang tao ay sa pamamagitan ng logbooks, o mga website kung saan nagre-register ang mga user.

Aniya, mayroon ring mga taong nagbebenta ng mga information gaya ng listahan ng phone numbers.

Tinatawag nang cyber security issue ng PLDT-Smart ang lumalawak na "smishing".

Ayon kay Anton Bonifacio, chief information security officer ng Globe Telecom, mga sindikato ang nasa likod ng spam messages, at ginagamit nila ang spam messages upang kumita.

Sumusunod umano sa pagbabago ng mga sistema ang mga scammer at spammers at patuloy na nakakalusot sa blocking system ng mga telecom.

Payo nila, huwag dapat pansinin ang mga mensahe na natatanggap mula sa mga scammer o spammers at maging mapanuri sa mga natatanggap na text messages.

Huwag din umano sumagot ng tawag na mga hindi pamilyar na numero, at mam-block ng mga ito.—SRO, TeleRadyo, Hunyo 24, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.