Home > Spotlight ALAMIN: Paano makaiiwas sa iba’t ibang uri ng cybercrime ABS-CBN News Posted at Jun 02 2023 12:10 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA – Sa gitna ng paglaganap ng iba’t ibang uri ng cybercrime sa bansa, paano kaya mapoprotektahan ng mga Pilipino ang kanilang sarili laban dito? Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Undersecretary Alexander Ramos ng Cybercrime Investigation and Coordination Center na ang pinaka-epektibong paraan ng pag-iwas sa cybercrime ay ang hindi pagbibigay ng personal data online. “Pag merong humihingi ng personal data niyo, wag ho kayong mabilis na magbigay. For that matter, wag niyong ibibigay online. Dahil ang pagbigay ng personal data nagagamit ho sa scam activities itong mga sindikato. Tandaan niyo, these are syndicated operations,” paliwanag niya. “Eh palibhasa nagkaroon tayo ng extension sa SIM card registration, dali-dali ring dumami yung mga online scams na nangyayari. So, mag-ingat po tayo sa mga nababasa natin online na mga too good to be true. Iwasan po natin,” dagdag pa ng opisyal. --TeleRadyo, 2 June 2023 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, PatrolPH Read More: cybercrime cybercrime protection Undersecretary Alexander Ramos Cybercrime Investigation and Coordination Center