PatrolPH

ALAMIN: Sino makikinabang kung kanselado ang COC ni Marcos Jr.?

ABS-CBN News

Posted at May 20 2022 02:19 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Sino ang makikinabang kapag nadiskwalipika o nakansela si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kaniyang kandidatura sa pagkapresidente dahil sa mga petisyon laban sa kaniya sa Commission of Elections?

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, depende ito sa katangian ng petisyon laban sa presumptive president.

Kapag cancellation of candidacy ang magaganap laban kay Marcos, ang papalit sa kaniya ang ang pumangalawa sa presidential race noong halalan, na si outgoing Vice-President Leni Robredo.

Pero kung disqualification case ang mananaig, ang nanalong bise presidente – na sa kasong ito ay si outgoing Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio – ang uupong pangulo.

Nitong Huwebes ay inutusan ng Korte Suprema ang mga respondent sa petition na nagkwe-kwestiyon sa pag-dismiss ng Commission of Elections sa naturang kahilingan na kanselahin ang COC ni Marcos.—SRO, TeleRadyo, Mayo 19, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.