Bakit mababa ang average IQ ng mga Pinoy kumpara sa mga taga-ibang bansa?
ABS-CBN News
Posted at May 18 2023 02:03 AM
MAYNILA—Bakit mababa ang intelligence quotient (IQ) ng mga Pilipino kumpara sa mga taga-ibang bansa?
Kamakailan lang ay lumabas sa isang report na sa listahan ng halos 200 bansa, pang-111 ang Pilipinas na may average IQ score na 81.64, base sa World Population Review.
Nasa 100 ang itinuturing na average IQ score.
Ayon kay Dr. Lizamarie Campoamar-Olegario, isang educational pyschologist specialist, mababa ang IQ ng maraming Pilipino dahil mababa ang quality ng education ng bansa.
Hindi umano naging maganda ang performance ng Pilipinas sa National Achievement Test nito kamakailan at ang isang dahilan lumalabas na nahihirapan ang ating bansa sa edukasyon.
Aniya, nasa 86 dati ang average IQ score ng Pilipinas.
Saad ni Olegario, ang educational system ng bansa ay nasa memorization pa rin, at kailangan pa rin ng Pilipinas ng pagtuunan ang critical thinking, language capacity, problem solving skill at scientific concept.
Aniya, kailangan ng proper training ng isang mag-aaral kung mababa ang score nito, at maaaring may ibang factors kung bakit ito mababa.
Ayon naman kay Dr. Zoe Arugay-Magat, membership director ng Mensa Philippines, kung likas sa isang tao ang pagkatamad, kailangan i-push lang ito maging mabuti.
Aniya, maaaring may dahilan o factor kung bakit mababa ang nakuhang grades noong panahon nag-exam para malaman ang IQ ng isang magaaral.
Giit ni Magat, pinaka-importante ang suporta ng magulang, kapatid at culture of learning para bumuti ang kaalaman at kalawakan ng isip ng isang mag-aaral.-SRO, TeleRadyo, Mayo 17, 2011
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
TeleRadyo, Tagalog news, SRO