PatrolPH

Pagdami ng mental health patients sa Pilipinas nakakabahala: eksperto

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2023 01:00 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nababahal ang ilang health experts sa pagtaas ng kaso na may kaugnay sa mental health sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Bernadette "Babes" Manalo, isang professor at psychiatrist sa St. Luke's Medical Center, malaki ang naging epekto ng pandemya sa mental health.

Ang karaniwang nagkakaroon ng problema sa mental health umano ay ang mas nakakabata at mas matatanda.

Ani Manalo, kung may pagbabago sa ugali ng isang tao, kung saan nalulungkot, o nag-aalala nang sobra ay posible na mayroon ng psychiatric problem.

Mataas umano ang anxiety at depression ng mga tao noong magsimula ang pandemya, at nananatili sa ilan hanggang sa kasalukuyan.

Giit ni Manalo, kinakailangan na may nakakausap ang mga taong nakikitaan ng senyales ng depression o anxiety. - SRO, TeleRadyo, Abril 11, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.