Home > Spotlight Maraming walang alam sa Cha-cha ang pabor dito: survey ABS-CBN News Posted at Apr 05 2023 05:16 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Nakakadismaya umano ang naipakita ng survey ng Pulse Asia na maraming Pilipino na kaunti lang ang alam sa Charter change (Cha-cha) pero pabor dito. Nitong Martes, sinabi ng Pulse Asia na 45 porsyento ng mga Pilipinong adult ang kontra sa Cha-cha, habang 41 percent ang pabor sa pagpapapalit ng 1987 Philippine Constitution. Pulse Asia: Filipinos split about Charter change moves Marami sa 41 porsyento ay kaunti ang kaalaman sa malaking pagbabago sa sistema. Ayon sa University of the Philippines professor at political analyst Jean Franco, dapat na paigtingin ang pagpapaigting ng kamalayan, o palalimin ang kaalaman ng mamamayan, kaugnay ng Cha-cha. Kailangan umano maging katanggap-tanggap sa mga Pilipino ang pagbabago, dahil mahirap o delikado kung babaguhin ng hindi tanggap ng majority ng mga Pilipino. Hindi dapat na makita ng tao na minamadali ang pagpapatupad ng Charter change, ani Franco. Maramiing Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapalawig o pagpapahaba ng termino ng mga halal na opisyal partikular ang mga mambabatas, aniya. Kailangan na kumunsulta muna sa taumbayan para alam ng mga Pilipino kung ano ang posibleng mangyari sa mga pagbabago dahil sa Cha-cha, giit niya.—Pasada sa TeleRadyo, TeleRadyo, Abril 4, 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, Pasada sa TeleRadyo Read More: Charter change Cha-cha Pulse Asia Pulse Asia survey Cha-cha survey Philippine Constitution 1987 Constitution