PatrolPH

Makakakuha ba ng danyos ang mga apektado ng oil spill kapag nagsampa sila ng kaso?

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2023 01:46 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Umalma kamakailan ang mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro matapos sabihin ng abogado ng isang insurance company na hindi mabibigyan ng danyos ang magsasampa ng kaso.

Ayon kay University of Makati College of Law dean Jay Layug, sa danyos kapag may waiver, may kasulatan sa dalawang panig. Nakasaad umano sa batas na hindi pwede i-waive ang criminal liability.

Ang aspeto ng danyos umano ay quit claim and waiver, at hindi na maaaring magsampa ng kaso. Sa Civil Code, aniya, ay iba-iba ang danyos at ang pinakaimportante danyos ay actual damages.

Ani Layug, kapag tumanggap na ng civil claim ang isang apektado ng oil spill, hindi na maaaring magsampa ng kaso ito.

Payo ni Layug, huwag muna tumanggap ng claim ngayon hanggang hindi pa tapos ang oil spill. Pwede rin mag-file ng claim ang LGU at national government, aniya. - SRO, TeleRadyo, Marso 28, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.