PatrolPH

Ano ang mga karapatan ng mga 'anak sa labas'?

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2023 03:59 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Ano ang mga karapatan ng mga tinatawag na anak sa labas?

Ayon kay Philippine Association of Law Schools president Marisol Anenias, kapag pumanaw ang magulang ng mga naturing na "illegitimate children", pwede sila makihati sa mana.

Pero naaayon sa batas umano na kalahati lang ng halaga ng makukuha ng mga lehitimong anak ang makukuha ng mga anak sa labas.

Ang status sa pagiging legitimate o illegitimate ng isang anak ay batay sa batas, hindi ayon sa kagustuhan ng nanay o tatay, sabi ni Anenias.

Nilinaw niyang ang Revilla Law ay nagbibigay lamang ng karapatan sa illegitimate child na magamit ang apelyido ng ama.

May pamamaraan aniya para maging pantay-pantay ang mana, kung tatanggapin ng mga legitimate na anak ito.

Ipinapanukala na sa Kongreso ang pagpapatigil ng diskriminasyon sa mga anak sa labas.

Ayon kay Caloocan 2nd District Rep. Mary Mitzi Cajayon, sa ilalim ng House Bill 7440, hindi na "illegitimate" ang tawag sa mga anak sa labas, kundi "non-marital". Gagawing "marital" naman ang mga "legitimate" na anak.

Ani Cajayon, tatanggalin ng panukala ang stigma sa mga anak sa labas.- SRO, TeleRadyo, Marso 23, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.