Home > Spotlight Ano ang pinaka-sinasayang na pagkain sa Pilipinas? ABS-CBN News Posted at Mar 17 2023 02:26 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Ano ang mga palaging sinasayang na pagkain sa Pilipinas? Ayon ay Dr. Eva Goyena, isang senior science research-specialist sa Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute, kanin, isda at gulay ang malaking porsyento sa mga sinasayang na pagkain sa bansa. Aniya, ito ang mga pangunahing pagkain ng mga Pinoy. Madalas umano ang plate waste sa rural households at sa mga pamilyang mas mataas ang status at food secure kumpara sa mahihirap na pamilya. May nasasayang umano na mga karne at manok pero hindi kasing taas ng isda at gulay. Kanin ang pinakamurang source of energy, pero ito umano ang pinakamalaking bahagi na nasasayang sa lower income group. Mercato Centrale, DOT to boost food tourism in Intramuros Group warns of fish kill, decline in fishing rates in Mindoro oil spill Ani Goyena, ang habit ng mga Pilipino na ayaw kumain ng kaning lamig at gusto bagong saing ay nagdudulot ng pagsasayang ng bigas. Dapat umano maturuan na magplano ang mga Pilipino na sakto lang ang lutuin at hindi sobra-sobra dahil matatapon lang ang mga ito. Kailangang maturuan din umano ang mga Pinoy kung paano mag-recycle ng pagkain or lutuin ulit ang kanilang putahe. - SRO, TeleRadyo, Marso 16, 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, SRO Read More: pagkain Department of Science and Technology food wastage plate waste kanin isda gulay