PatrolPH

ALAMIN: Magkano na ang nabawing nakaw na yaman mula sa mga Marcos?

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2022 03:18 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Higit P170 bilyon na nakaw na yaman na ang nabawi ng gobyerno mula sa pamilyang Marcos, ayon sa isang dating opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ayon kay Ruben Carranza, dating PCGG Commissioner, halos P40 bilyon ay nakuha mula sa mga Swiss bank account ng pamilya ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Ang anak niya na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na tumatakbong pagkapresidente sa Halalan 2022, ay naging beneficiary umano ng P2 milyong assistance para sa Pilipinas na dineposit sa isang bank account sa Amerika, sabi ni Carranza.

Ayon kay Carranza, si Marcos Jr. ang nagpapatakbo sa mga naiwang ari-arian ng kaniyang ama habang malaki pa ang kailangang bawiin ng Pilipinas mula sa pamilya ng dating diktador. - TeleRadyo, Pebrero 25, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.