PatrolPH

ALAMIN: Paano malaman kung scam ang isang online lender app?

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2023 12:26 AM | Updated as of Feb 11 2023 12:34 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Paano nga ba malaman kung lehitimo nga ba ang isang online lending app (OLA) o scam ito?

Ayon kay Police Capt. Michelle Sabino, spokesperson ng PNP Anti-Cybercrime Group, hindi lehitimo ang isang OLA kung nangha-harass ito ng mga nangutang.

Aniya, sa ilalim ng batas ng Securities and Exchange Commission (SEC), tama lang maningil ang OLA at ang may utang dapat naman magbayad pero bawal ang mang-harass o mamamahiya ng nangutang.

Aniya, may ilang OLA na nananakot ng mga nangutang.
 
"To some extent sinasabi nila alam namin ang bahay, papatayin ka ... extreme ang way ng paniningil," ani Sabino.

Ang iba ay nagdadagdag umano ng interes sa mga hindi nakakabayad, o may kakausap sa mga biktima na mag-download ng ibang lending app.

Ayon kay Sabino, kapag ang isang OLA ay humingi ng processing fee, paniguradong scam ito.

Hindi rin lehitimo ang mga OLA na hindi rehistrado sa SEC, aniya. 

Babala ni Sabino, ang mga detalye ng mga nangungutang, kabilang ang kanilang identification cards, ay pwedeng gamitin ng mga scammer sa ibang modus na hindi lehitimo.

Panawagan niya sa mga gumagamit ng OLA, iwasan ang mga app na tumatawag sa mga users para sabihin na may matatangap sila na package mula Philippine Post Office.

May disclaimer na umano ang Post Office na wala silang ganitong polisiya o serbisyo. - SRO, Teleradyo, Peb. 10, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.