PatrolPH

'Big one' posibleng tumama bago 2059: Phivolcs head

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2023 10:32 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Posibleng tumama ang "Big One" sa Pilipinas bago 2059, ayon sa officer-in-charge ng Phivolcs nitong Martes.

Ayon kay Phivolcs OIC Dr. Teresito Bacolcol, maaaring magbago pa ito.

Aniya, kung tatama ang malakas na lindol sa Metro Manila ay labis na maaapektuhan ang mga lungsod na maraming high-rise o poorly constructed buildings.

Karamihan ng mga newly rised buldings sa Metro Manila ay kakayanin umano ang 7.2 magnitude na lindol.

Ani Bacolcol, nasa 7.8 magnitude ang pinakamalakas na lindol na maaaring tumama sa bansa at maaaring mag-iwan ng 30,000 casualties.

Umabot sa mahigit 4,600 ang nasawi sa malalakas na lindol sa Turkey at Syria nitong linggo. Naitala sa magnitude 7.8 ang pinakamalakas na pagyanig, na nagsimula noong February 6. - SRO, TeleRadyo, Pebrero 7, 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.