Home > Spotlight Guidance counselors napaka-kaunti sa bansa: grupo ABS-CBN News Posted at Jan 28 2023 12:15 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Kaunti ang biliang ng mga guidance counselor sa mga paaralan sa bansa, ayon sa isang grupo nitong Biyernes. Ayon kay Dr. Sheila Marie Hocson, national president ng Philippine Guidance and Counselling Association, mahalaga ang guidance counselor dahil ito ang naghahawak ng buhay ng mga estudyante. Sa ngayon, nasa 4,774 guidance counselors lang ang meron sa bansa, ayon kay Hocson. Kakulangan sa guidance counselors hamon para sa ilang paaralaan May kakulangan ng guidance counselor sa Pilipinas dahil maliit talaga ang sahod ng naturang propesyon sa bansa. Ani Hocson, ang sahod ng isang counselor na may master's degree ay katumbas ng sweldo ng nagsisimulang teacher. Sa pribadong eskwelahan nami-meet ang magandang compensation para sa mga ito, pero sa public school ay katumbas ng nagsisimulang guro ang sweldo. Maraming licensed counsellor sa public schools ang nagiging teacher, habang ang iba ay nagshi-shift ng career o nag-aabroad na lang, ani Hocson. Giit niya, kailangan ang pag-aayos ng ranking at salary grade ng mga counselor. Dapat umano ding paigtingin ang mental health programs at salary grade program. DepEd to boost mental health programs, security after school violence cases Panawagan ni Hocson sa gobyerno, dagdagan ang sahod ng mga counselor at buksan ang mga mata ng publiko sa importansya ng mga naturang professional.—SRO, TeleRadyo, Enero 27, 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, PatrolPH Read More: guidance counselors