[CMSAbstractTransformation.DataBind]: Object reference not set to an instance of an object.

Pacquiao 'apologizes' about fight

Posted at Nov 15 2011 01:54 AM | Updated as of Nov 15 2011 11:39 AM

Magkasama sina Manny at Jinkee Pacquiao papunta sa MGM Garden Arena sakay ng limousine.

Sweet ang mag-asawa paalis ng Mandalay Bay Hotel.

Sold out ang arena. Mahigit 16,000 fans ang manonood.

Nakakabingi ang sigaw ng mga fans bago pa man ang laban.

Dikit ang mga unang round habang nagsusukatan ang dalawa.

Uminit ang laban sa 4th round. Natamaan si Manny ng straight ni Marquez.

Sa round 5, isang malakas na uppercut mula sa Meksikano.

Bumawi si Pacquiao sa round 6 pero may sagot rin si Marquez at nakakapuntos sa counter.

Naging mas agresibo si Manny sa mga later rounds.

Matibay si Marquez. Maganda ang kanyang timing at galaw.

Mainit ang palitan ng suntok.

Markado ang mukha ni Marquez at may putok din sa labi si Pacman.

Pagkatapos ng round 9, sinabi ni Coach Freddie na kailangang humabol si Pacman.

Action-packed ang round 10.

Mukhang pagod si Marquez pero tuloy ang magandang counterpunching.

Medyo nahirapan sa timing si Pacquiao pero nakapasok ang serye ng kombinasyon sa huling tatlong round.

Umabot ng 12 rounds ang bakabakan. Walang knockdown.

Maingay ang crowd habang hinihintay and decision ng mga judge.

Panalo si Pacquiao sa majority decision.

Hawak pa rin niya ang kanyang WBO welterweight belt.

Hindi nagustuhan ng mga Meksikano ang resulta.

May mga nambato ng bote sa ring.

Dismayado si Marquez at nagmadaling lumabas ng arena.

Ayon kay Coach Freddie, dikdikan talaga ang laban.

“The judges scored in our favor. Marquez came back everytime. It’s a very close fight,” ani Coach Freddie.

Pagkatapos ng ring interview, diretso rin sa locker si Pacquiao.

Naghihintay sa kanya si Jinkee, ang pamilya ni Pacquiao at malalapit na kaibigan.

Malalim naman ang sugat ni Manny sa kilay dahil sa headbutt at kinailangan ng 28 stitches.

Matagal si Manny sa locker habang tinatahi ito ng doktor.

Inamin ni Manny na mahirap na kalaban si Marquez at hindi niya nailabas nang todo ang inihanda.

“Alam ko malaki ang expectation ng mga fans, ng mga tao. Pero we have to accept the fact that Marquez is a good boxer also. He’s a good counterpuncher. Hindi naman tayo puwedeng basta-basta na lang papasok doon. Mamaya baka madisgrasya tayo. He’s a good counterpuncher. Atras nang atras siya. Masyadong defensive ngayon. Hinihintay lang niya ako pumasok,” ani Manny.

Nagka-cramps rin si Manny sa paa mula sa 4th round.

“May karamdaman tayo. Nagpapasalamat pa rin naman tayo na natapos natin ang laban. Salamat sa lahat ng mga Kapamilya, sa lahat ng sambayanang Pilipino, sa ating mga kababayan. Thank you sa suporta. Ito ay para sa ating lahat. Nakapagdala na naman tayo ng karangalan sa ating bansa. Sana maging proud kayo at pasensya na dahil hindi nangyari ang expectation ng karamihan pero at least lagi tayong magpasalamat sa mahal na Panginoon sa ibinigay niyang karangalan na ito at nanalo tayo,” paliwanag ni Manny.

Bago lumabas ng locker, tumigil muna si Manny para magdasal. Nagpasalamat siya sa Diyos para sa tagumpay. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino, Las Vegas, Nevada