Pacquiao leads Bible study session

Posted at Nov 10 2011 10:35 PM | Updated as of Dec 10 2016 02:13 PM

Watch also in iWantTFC

Halos nagkasabay sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa jogging kaninang umaga sa University of Las Vegas track.

Nauna ang training ng Mehikano sa oval.

Patapos na siya sa stretching habang pasimula naman sa jogging si Pacman. Cool lang ang 2 kampo at tinuloy ang ensayo.

Sa tanghalian, nagkasama muli ang Team Pacquiao at Team Marquez sa press conference sa MGM.

Naka-amerikana si Manny habang naka-track suit naman si Marquez.

Simple lang ang mensahe ni Marquez.

Aniya, “I prepared myself very, very hard... because I want to give another great show. [This] fight [is for] all the people, especially all the Mexican people around the world.”

“I pray not for myself, but I pray for all the fighters who are going to fight on Saturday, especially for my opponent. [I hope] Nobody will get hurt on Saturday, I mean hurt as in badly hurt,” sabi naman ni Pacquiao.

Nagpalaki ng katawan si Marquez para umakyat sa welterweight, pero naniniwala ang mga boxing analysts na bagama’t lalaban ng todo-todo si Marquez ay hindi na raw makakayanan ng Mehikano si Pacquiao, lalo na ngayong gumaling at lumakas sa mga huling laban sa mabibigat at matatangkad na kalaban tulad nina Margarito, Cotto at Mosley.

Sabi ni James Smith, “I think Manny will be the first guy to stop Marquez. I think somewhere between you know 5 and 9 rounds something like that. I think he’ll cut it, bust him up, break him down and stop him."

Pagbalik sa suite ng hotel, nag-organize naman ng Bible study at sharing session si Pacquiao kasama ang kanyang team at mga bisita.

Hinikayat niya ang lahat na magdulot ng oras sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at pagdarasal.

Llamadong-llamado si Pacquiao sa ikatlong laban kay Marquez, pero dahil magpupursigi rin manalo ang Mehikano ay alam ni Manny na mahirap ang laban ito.

Umaasa si Pacman sa matinding preparasyon at tulong ng Diyos para magtagumpay. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino