Hero's welcome, isinagawa para kay Olympic silver medalist Nesthy Petecio

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2021 08:01 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Mainit na sinalubong ng mga kababayan sa Sta. Cruz, Davao del Sur si Tokyo Olympics Silver medalist Nesthy Petecio nitong National Heroes' Day.

Masayang ipinakita ni Petecio ang kanyang silver medal habang umiikot ang kanyang motorcade. 

Nakapiling na rin muli ni Petecio ang kanyang pamilya sa isang emosyonal na pagtatagpo.

Nagkaroon din siya ng courtesy call sa mga lokal na opisyal ng Sta. Cruz, na nagbigay sa kanya ng P500,000 na cash incentive.

Si Petecio ay nanalo ng silver medal sa women’s featherweight division ng boxing sa 2020 Olympics. Siya ang kauna-unahang Pinay na nagkamit ng medalya sa Olympic boxing.