Fil-German goalie boosts Azkals in Long Teng Cup

Posted at Aug 30 2011 10:37 PM | Updated as of Sep 02 2011 01:44 AM

Photo of Paul Mulders courtesy of Fritz Dalita, SoccerCentral.ph

Balik-ensayo ang Philippine team Azkals para sa Long Teng Cup sa Taiwan ngayong Setyembre.

Kasama ng Azkals ang under 23 squad na nag-eensayo naman para sa Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Isang buwang nagpahinga ang Azkals pagkatapos ng game kontra Kuwait.

“It’s good to be back in the team, to see everyone’s faces as well as get back to the routine of training,” sabi ni James Younghusband.

“Kalaban natin ang Hong Kong, Macua at Taiwan. Mas malakas kami,” sabi ni Phil Younghusband.

First time sa practice ang bagong dating na Fil-German goalkeeper na si Roland Mueller.

Pinay ang nanay at German ang tatay ni Roland.

Tulad ni Stephan Schrock, naglalaro din siya sa 2nd league Bundesliga.

Close si Roland sa kanyang Nanay Maria na kasama niya sa biyahe dito sa Pilipinas.

Sampung taon pa lang si Roland mahilig na siya sa football.

Hinahatid pa siya ng ina sa training.

“Sabi niya, ‘Nanay, 19 years ka hindi nakauwi dahil sa akin. Ngayon makakauwi ka dahil sa akin.’ Sweet niya di ba?” sabi ng ina ni Roland.

Mahalaga ang Long Teng Cup dahil nagbibigay ito ng puntos para sa FIFA world ranking.

Babalik para sa kompetisyon ang Fil-Dutch na si Jason de Jong at Fil-German Manny Ott.

Pero hindi makakasama sina Niel Etheridge, Rob Gier, Gerry Lucena, Paul Mulders at Stephan Schrock.

Samantala, umalis naman kaninang umaga ang Philippine under-19 team na lalahok sa Asian Football Federation Under-19 Cup sa Myanmar.

May isang linggo munang training camp sa Vietnam ang team bago bumiyahe sa Myanmar. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino