Home > Sports Hidilyn Diaz, nagbigay-saloobin sa reunion sa magulang ABS-CBN News Posted at Aug 07 2021 01:45 PM | Updated as of Aug 07 2021 02:27 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Makalipas ang halos dalawang taon ay nagkita na rin si Hidilyn Diaz at kaniyang mga magulang nitong linggo, matapos ang kanyang pagkapanalo ng gold medal sa Olympics. At sa kanilang muling pagkikita, naging emosyonal ang matamis na reunion matapos ang ilang taong pag-eensayo ni Diaz sa Malaysia. WATCH: Hidilyn Diaz reunites with family after nearly 2-year separation "Wala kaming sinabi sa isa't isa, nag-hug lang kami, nag-iyakan... Iyakan lang, yakapan. Hindi mo ma-describe by words eh," ani Diaz sa programang "Winner Sa Life" ng TeleRadyo Sabado ng umaga. Sa bansang Malaysia nag-ensayo ang Pinay weightlifter sa kalakhan ng kaniyang Olympic gold journey at ginugol ang marami sa kaniyang oras habang pandemya na mag-ensayo sa isang garahe, bilang paghahanda. ‘Sobrang saya’: Hidilyn’s mom on cloud nine after daughter wins Olympic gold SILIPIN: Garahe na pinag-ensayuhan ni Hidilyn Diaz sa Malaysia para sa Olympics Sa ngayon, kasama ni Hidilyn ang kaniyang magulang sa isang hotel sa Maynila, at pinagdiriwang ang kaarawan ng ina. Aminado siya na muntik na umano itong hindi matuloy dahil sa lockdown sa Metro Manila. "Buti na lang nagawan ng paraan," paglalarawan niya. Tubong Zamboanga ang kauna-unahang gold medalist ng bansa, na naungusan ang kalaban mula Tsina matapos mabuhat ang 127 kilograms sa 55-kg weightclass ng kompetisyon. The making of Hidilyn Diaz: From lifting pails of water in Zamboanga to lifting a nation’s spirit — Teleradyo, 7 Abril 2021 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog News, Teleradyo Read More: Hidilyn Diaz 2020 Olympics Tokyo Olympics athlete Olympic gold medal weightlifting