PANOORIN: Lakers walang nagawa sa 42 points ni Anthony Davis ng Pelicans

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 06:19 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Pumutok na naman si New Orleans star Anthony Davis, ngayon laban naman sa LA Lakers.

Pumuntos ang All-Star forward ng 42 kasama ng kanyang 15 rebounds para hilahin ang Pelicans sa 139-117 na pagkapanalo kontra Lakers.

Noong isang araw lang, umiskor ng 38 points si Davis para palubugin ang Detroit Pistons.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.