‘Sports U’: Gold medalist na arnisador ipinagmamalaki ang pagiging Igorot

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2020 12:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Naiiyak si Crisamuel Delfin kapag binabalikan niya ang pagkapanalo niya ng gintong medalya sa nakaraang Southeast Asian Games.

Isa siya sa 14 arnisador na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas matapos siyang manalo sa men's anyo open weapon division.

"Performance ko ba talaga ito? Nakakaiyak noong makita ko 'yung score, score ng mga kalaban mo. Na ikaw 'yung pinakamataas ang nakuha. Sobrang saya," kuwento ni Delfin.

May dugong Igorot si Delfin, kaya pinili niyang magsuot ng native warrior costume sa kaniyang routine.

Dagdag pa niya, kabilin-bilinan ng kaniyang lolang Igorot na ipagmalaki ang kaniyang pinanggalingan. -- Sports U, ABS-CBN, Feb. 7, 2020

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games